teelint0tzkie:

wtf! di ko alm kung nagiinis lang talaga. nakakapaginit n dugo. ampotah! grr! >:(

2 notes

crmz:

(via iwillbecauseican)

YEAH! :DD

crmz:

(via iwillbecauseican)

YEAH! :DD

TISYERT FAQs

1 Paano ba mag-order?

* Ang lahat ng orders ay idinadaan natin sa legal na paraan sa pamamagitan ng ORDER FORM. Pindutin lamang ang link na ito: ORDER FORM.
* Pinapansin din naman namin ang lahat ng inyong mga komento sa bawat litrato/album dahil di naman kami suplada/suplado. :D Maari nyo din kaming itext/tawagan sa mga numerong inilagay namin dito.
* Magpapadala kami ng mensahe namin sa inyo sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng pagrereply sa inyong mga komento o tanong dito o di kaya naman ay sa text.




2 Ano ang mga terms and conditions na dapat ninyong sundin?

* Punan ang ORDER FORM kung SIGURADONG SIGURADO ka na sa pag-order sa amin.
* Maging TIYAK sa design na magugustuhan nyo at ilagay CODENAME sa ORDER FORM.
* Siguraduhing mapupunan ng tamang impormasyon ang ORDER FORM lalung lalo na ang BUONG ADDRESS ng inyong tirahan para sa shipping kung malayo kayo sa Project 3.
* Sa oras na makatanggap kayo ng mensaheng nagtutukoy sa inyong babayaran kasama na ang SHIPPING FEE na galing sa amin, maari lamang po na mag-REPLY po tayo para makumpirma ang inyong order.
* Ang MAMIMILI ang may sagot ng SHIPPING or HANDLING FEE.
* Ang balanse nyo ay dapat mabayaran bago namin ipadala sa inyo ang inyong order.
* Ang mga sira na dulot ng shipping ay di na sagot ng Tisyert.




3 Pwede bang magpa-customize?

* Oo naman. Ang kailangan nyo lamang gawin ay ipadala sa aming email ang inyong design. Wag kayong mag-alala, di kakalat ang inyong saring likha.
* I-send lamang ang inyong HI-RES PSD or JPEG files. Kung ang mayroon kayo ay drowing ng design, maari lamang na ibigay sa amin ang eksaktong dimensyon at kulay.
* Ang aming RATE ay depende sa dami ng kulay at dimensyon ng design pati na din ang dami at kulay ng tisyert. Kailangan namin makita ang inyong design at specifications bago kami magbigay ng aming quotation para sa inyong order. Maaari kayong mag-email kasama ang inyong design sa aming email address: tisyertmo@yahoo.com o tisyertmo@gmail.com.




4 Tumatanggap ba kayo ng rush na orders?

* Oo ngunit ang araw ng produksyon ay magdedepende sa dami ng inyong order. May karagdagang 25% ng pangkalahatang babayaran para sa RUSH FEE.




5 Tumatanggap ba kayo ng maramihang orders?

* Oo, para sa mga kumpanya, school organizations, atbp.
* Ang aming RATE ay depende sa dami ng kulay at dimensyon ng design pati na din ang dami at kulay ng tisyert. Kailangan namin makita ang inyong design at specifications bago kami magbigay ng aming quotation para sa inyong order. Maaari kayong mag-email kasama ang inyong design sa aming email address: tisyertmo@yahoo.com o tisyertmo@gmail.com.
* Nangangailangan po ng 50% down payment kapag kayo ay nag-order. Ang natitira naman ay kailangang mabayaran bago namin ipadala ng mga orders nyo sa inyong mga bahay.




6 Kailan ko makukuha ang aking order na tisyert?

* Magbigay lamang po ng palugit na 10-15 araw para magawa ang inyong order lalo na kung marami kayong in-order. Kung malayo ka naman, magdagdag lamang ng 1-2 araw para mapadala ng courier ang inyong mga orders. Walang magiging problema kung mababayaran nyo kaagad ang balanse nyo bago kami magpadala.




7 Paano ko makukuha ang aking Tisyert kung malapit lamang ako sa Project 3?

* Pwedeng makipagkita kayo sa amin sa mga sumisunod na lugar ayon sa ating napagkasunduang araw at oras:
♠ SM Centerpoint, Sta. Mesa (handling fee - P40.00)
♠ Gateway, Cubao (handling fee - P20.00)
♠ Mcdonald’s, Anonas (libre lang!)
♠ Katipunan Station, LRT2 (libre lang!)
♠ Anonas Station, LRT2 (libre lang!)




8 Magkano ang shipping fee?

* Ang shipping fee ay nagkakahalaga ng:
♠ P110.00 para sa Metro Manila at Luzon
♠ P120.00 para sa Visayas
♠ P130.00 para sa Mindanao




9 Paano ako magbabayad?

* COD - I-set natin kung saan at kailan tayo magkikita (kung malapit ka lang sa mga meet-up areas).
* GCash - ibibigay ang detalye sa pamamagitan ng text/email.
* BPI Bank Deposit - ibibigay ang detalye sa pamamagitan ng text/email.
* Western Union - ibibigay ang detalye sa pamamagitan ng text/email.




10 Kailangan ba ng down payment?

* Para sa mga orders na nagkakahalaga ng P800.00, maaari lamang po na magdown po tayo ng at least 50% of the total amount.
* Para naman sa maramihang orders, maaari lamang po na magbigay tao ng down payment na at least 60% of the agreed total amount.




11 Anong klaseng mga tisyert ang ginagamit ng Tisyert?

**Roundneck Tisyerts (Para sa lalaki at babae)
• Combed Cotton Fabric
• Ribbed Crew Neck
• Triple Thread Stitch
• Pre-Shrunk
• Relaxed Fit
• Machine Washed

**Lacoste-Type Sport Shirt w/ Cuffs (Blue Corner)
-PanLalaki
• Welt collar & cuffs
• Clean-finished placket with 2 woodtone buttons
• 4 threads seams & taped neck
• Double needle shoulder stitches and side slits (except for white)
• Double needle bottom hem
• 6.5 Oz. Supercombed CVC Cotton Lacoste Fabric
-Pambabae
• Ladies Fit Tailoring
• Welt collar & cuffs
• Ladies placket with 2 transparent buttons
• 4 threads seams & taped neck
• Double needle shoulder stitches
• Double needle bottom hem
• 6.5 Oz. Supercombed CVC Cotton Lacoste Fabric

**Spandex/Stretch Type Tisyerts (Para sa Babae)
-90% Cotton, 10% Spandex
• Ladies fit
• Available in round neck & u-neck



12 Anu-anong available sizes?

Roundneck Tisyerts (Para sa lalaki at babae)
Size W x L
• Extra Teens 16” x 23”
• Teens 17” x 24”
• Small 18” x 25”
• Medium 20” x 27”
• Large 21” x 28”
• Free-Size 22” x 29”
• Extra Large 23” x 30”

Lacoste-Type Sport Shirt w/ Cuffs (Para sa Lalaki - Blue Corner)
Size W x L
• Extra Small 18” X 26”
• Small 19” X 27”
• Medium 20” X 28”
• Large 21” x 29”
• XL 22” x 30”
• 2XL 23” x 31”

Lacoste-Type Sport Shirt w/ Cuffs (Para sa Babae - Blue Corner)
Size W x L
• Small 14.5” X 21.5”
• Medium 15.5” X 22.5”
• Large 16.5” X 23.5”
• Extra Large 17.5” X 24.5”

Spandex/Stretch Type Tisyerts (Para sa Babae)
Size L X W
• Small 20” x 14”
• Medium 21” x 15”
• Large 22” x 16”
• Extra Large 23” x 17”

Tip para malaman ang inyong sukat:
1 Kunin ang inyong paboritong tshirt at ilapat sa patag na bagay tulad ng kama o mesa.
2 Kumuha ng ruler o tape measure at sukatin ang lapad (width) simula sa kaliwang bahagi ng tshirt (sa bandang kilikili) papuntang kanang bahagi.
3 Tignan ang size chart sa itaas at hanapin ang iyong nakuhang size.
4 Kung nasa gitna naman ang inyong size, maaring piliin ang mas malaking size para mas komportable suotin.


13 Anong mga available na kulay ng Tisyert?

* Tignan ang mga sumusunod na larawan. :))
Roundneck Tisyerts (Para sa lalaki at babae)



Lacoste-Type Sport Shirt w/ Cuffs (Para sa Lalaki - Blue Corner)


Lacoste-Type Sport Shirt w/ Cuffs (Para sa Babae - Blue Corner)


Spandex/Stretch Type Tisyerts (Para sa Babae)





14 Paano ba namin kayo makokontak?

Green Tisyert Part 2

Green Tisyert Part 1

Kulay ng Tisyert